i -TATAK! mo ang bawat aralin!

Ang TATAK! ay isang multimedia at card-based na laro na ginawang mas interaktibo at kawili-wili ang mga aralin sa Araling Panlipunan.

Bakit Kailangan ang TATAK?

Ayon sa aming pananaliksik, ang mga mag-aaral sa Grade 6 public school ay masigasig sa pag-aaral ng Araling Panlipunan; ngunit, nahihirapang makibahagi dahil sa passive at lecture-based na paraan ng pagtuturo. Kulang din ang mga guro sa oras at materyales para sa mas interaktibong gawain.

Layunin ng TATAK! na gawing mas masaya at nakakaengganyo ang pag-aaral gamit ang simpleng card-based game na nagpapalalim ng partisipasyon at pag-unawa.

Sumama sa pag iwan ng TATAK! sa mundo!

Layunin naming gawing mas nakakaengganyo ang pag-aaral ng kasaysayan para sa bagong henerasyon. Samahan kami sa pagbibigay-buhay sa Araling Panlipunan at gawing isang aktibo at masayang karanasan sa pagkatuto. Bigyan natin ng Aktibong Partisipasyon ang AP!